Sunday, February 6, 2011

Pimpol Power

Tigyawat….. #1 na kaaway ng high school students, lalo ngayon at malapit na ang Valentaym’s day, at maraming schools na rin ang nagsasagawa ng mga JS Prom. Hays, pano yan????


Ano ba ang tigyawat? Eto lang naman ang mga nakikita sa muka (pwede rin sa likod at dibdib) na mararami at maliliit na minsan e masakit o nagnanana na kapag tiniris mo e lalong dumami na nagmimistulan ng EDSA ang muka mo dahil sa dami ng nagpoprotesta o di kaya nagbubutasbutas o nangingitim pag di naagapan kaagad. In short PESTE!


Pesteng maituturing ang mga to, dahil sila ay bumbalik o dumadami pag di mo ginamot kaagad. Sa una paisa-isa lang, chinicheck muna kung anong klaseng balat meron ka, kung ok sa kanila, magtatawag na to ng kasama, 1,4,6,9,10! Hanggang sa maging muka ka na lang langka na may buhok! Pag inaway mo naman, mas mamarami ang reresbak. 1vs.100. Talong-talo ka.


Bakit ganun? Ang mga teenager pa ang madalas pinepeste ng mga to. Kung kailan ito ang edad ng mga nagpapacute at naghahanap ng mga syota. Siguro dahil para ipakita na di ganun kadali magtagumpay sa mundo. Kaya ganun.


Balik tayo sa mala-langka mong muka. Ano nga ba ang gamot? Cream, sabon, o herbal? Bahala ka na. Napakaraming pagpipilian, basta yung hiyang sayo at pumili rin ng mga epektib talaga base sa mga sinasabi ng mga kaibigan mo. Pero di kaagad yun basta basta lang gumagaling pagkahilamos mo, syempre maghihintay ka. 1 buwan? 4 buwan? 1 taon? Pero may mga gamot na rin daw na 1 week lang e gagaling na, pero malamang joke lang yun. Minsan mas masarap pa rin gumaling ng hinihintay mo kesa saglitan.


Pano na yan? Sa isang linggo na at Valentaym’s at malapit na rin ang JS nyo? Badtrip talaga! Minsan gusto mo nang ipagpalit ang balat mo sa pwet sa muka mo. Pero di pwede dahil wala kang scalpel sa bahay nyo. Kung magpapaderma, mauubusan ka naman ng ipambibili ng maayos na damit para sa inaabangan mong JS. Partner mo pa naman yung crush mong, mahigit 5 taon mo nang pinagngalayan ng panga kakangiti at kakapacute. Hiyang-hiya ka ngayon dahil tadtad ng bundok-bundok ang pisngi mo at ilong, at hindi mo pwedeng itago.


Sabi nila pag tinubuan ka raw ng pimpol, ibig sabihin may nagmamahal o minamahal ka. Yung iba sabi dahil sa mani o oily foods, sabi naman nung iba dahil lagi kang puyat. Malamang totoo yung dalawang huling nabanggit. Pero wala ka nang masising ibang tao dahil masarap talaga ang pagtira ng chicharon at mani o pagpePeysbuk ng buong gabi.


Kaya para sa mga magjeJS kasama ang kanilang mga pets. Eto na lang ang payo ko…..








DAANIN MO NA LANG SA LISTERINE AT GEL!!!!


No comments: