Saturday, February 12, 2011

L.O.V.E.

“Dahil dito sa mariposa ay mahirap ang nag-iisa
Dahil dito sa mariposa ako lang ata ang nag-iisa” – Mariposa, Sugarfree

Valentine’s Day na naman! Masasaya na naman ang mga may makakasamang syota o date. At ang mga “single” e malulungkot at nagiisa. Na naman.

Masarap talaga pag meron kang “Valentine” ngayong February 14, parang handa kang mag-ubos ng pera para lang sa kanya. ANG SARAP NG PILING!

Ang mahal kasi sa mall ngayon. Tsaka daming tao kaya badtrip pumunta. Pero dun masarap magpalamig, lalo ngayon at “summer” na pala. Kaso yun nga, di mo namamalayan ubos na pala pera mo, daig mo pa ang naholdap.

Kung nagtitipid, may mga park na pwedeng sumalo sayo. Libre na, di ka pa banas. Pero sa kasamaang palad, ubos na ang mga parks na to, na karamihan e mga malls na rin ang pumalit. O kung may mga natitira man, malamang sandamakmak na rin ang mga bars at resto dito, kaya puputaktihin ka rin ng mga “holdaper”.

Para naman sa mga lonely ngayong Valentine’s, ok lang din naman. Di porket Valentine’s e required kang may kadate. Siguro ginawa talagang ganyan para di maging puno ang mga malls, parks at uhmmmm motels?

SMV! Samahan ng Malalamig ang Valentines. Biro sa mga “single” pag Feb 14. At kung titingnan may pangit na ibig sabihin di pala ang LOVE, Lonely On Valentine’s Eve.

Kaya para sa mga kapwa ko “SMV” at “LOVE”, tara, magkaroon tayo ng get together, magsamasama tayo, di natin kailangan ng ka-date! Mas maganda pa rin kung mas madami at mas masaya! Alisin na ang kalungkutan at kalimutan ang problema! Baguhin natin ang nakasanayaang routine pag Feb 14!

“Ayoko nang mag-isa (repeat many times)” – Mariposa, Sugarfree




No comments: