Sunday, February 6, 2011

Isang Pagpapakilala

Unang post. Sa bagong bahay.

Ako si T.B. – Taong Banyo. Banyo dahil dun ka pwedeng tumae, umihi at mag***** ng kumportable. Walang magulo, walang istorbo! Eto rin ang hinahangad ko sa bago kong site, makapagrelaks ng ako lang, ng walang problema!

Nung bata ako, kahit di nabigyan ng talent sa pagdrawing, e banyo ang pinakamadalas kong iguhit – Toilet bowl, Shampoo, Sabon…. ewan ko, siguro dun ako madalas talaga tumambay.

Ang totoo, may isa pa kong blogsite. Pero nilalangaw na ito ngayon – kawawa at sira-sira. Bat kasi pinangarap ko pa ang pagsikat nung mga panahong yon. Yan tuloy. Kaya ang bago kong site ay di naghahangad sumikat. Parang libangan lang. Parang pagpunta sa banyo, araw-araw.

Pero di ako kakambyo sa ibang uri ng pagbablog, “magpatawa” pa rin ang gusto ko. “Toilet Humor”. Dun ako kumportable e. Pero kung di ka mageenjoy, pwede kang umalis. Basta wag kalimutang iflush pagtapos ah.

Ngayon pa lang, nagtetenkyu na ko sa inyo, kung “nababanguhan” ka sa site ko. Malamang gusto mo ang scent ng Albatross na binili ko. Pero kung napapanghian ka na ngayon pa lang, pwede kang magrequest ng ibang scent. Simple.


Welcome sa The Internet Public Toilet! Walang fee ang paggamit. Basta laging panatilihing malinis ang ating banyo. Salamat!


No comments: